Accessible Search Form           Advanced Search

Asin sa Mga Pagkain

Download Asin sa Mga Pagkain pdf document (602k) handout.

Piliin nang MAS Madalas ng Mga Pagkaing MAS MABABA ang Asin

  • Mga sarsang mababa sa asin, tulad ng light na toyo
  • Manok at pabo (na tinanggalan ng balat)
  • Sariwang pagkaing dagat o binanlawang de latang isda, tulad ng tuna, (Ang ilang mga uri ng isda ay naglalaman ng mataas na antas ng mercury. Dapat iwasan ang ganitong uri ng isda ng mga buntis na kababaihan at nagpapasusong ina. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang www.cfsan.fda.gov/~dms/admehg3.html) o mga sardinas
  • Mga de latang pagkaing inihanda sa tubig
  • Mga kesong mababa sa asin o bawas na asin
  • Mga low-salt sitsirya, nut, buto, at biskwit
  • Walang sangkap na mga noodle (pasta) o sinaing na kanin
  • Gawang-bahay, mababa sa asin, o mga sopas na bawas ang asin
  • Sariwa, nai-freeze, “walang idinagdag na asin,” o mga binanlawang de latang (Banlawan ang mga de latang pagkain upang mabawasan ang dami ng asin.)  gulay
  • Mga pampalasa, herbs at panimpla, tulad ng laurel, berdeng sibuyas o pulbos na sibuyas, sariwang bawang o pulbos na bawang, saffron, luya, tanglad, parsley, dahon ng sampalok, suka, at watercress

Piliin nang HINDI Gaanong Madalas ang Mga Pagkaing MAS MATAAS sa Asin

  • Balut (binugok na itlog)
  • Pinausukan at ibinabad na mga karne tulad ng bacon, hamon, longanisa, mga hotdog, at bologna
  • De latang pagkaing dagat, (Ang ilang mga uri ng isda ay naglalaman ng mataas na antas ng mercury. Dapat iwasan ang ganitong uri ng isda ng mga buntis na kababaihan at nagpapasusong ina. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang www.cfsan.fda.gov/~dms/admehg3.html) tulad ng tuna, sardinas, at pusit (na hindi nababanlawan) (Banlawan ang mga de latang pagkain upang mabawasan ang dami ng asin.) 
  • De latang karne, tulad ng baboy, karne norte, at longanisa
  • Mga de latang pagkaing naipaketeng may broth o asin (Banlawan ang mga de latang pagkain upang mabawasan ang dami ng asin.)
  • Karamihang mga keso
  • Mga maaalat na sitsirya, biskwit, nut, at pretzel
  • Mabilis malutong kanin at nakakahong may halong kanin, patatas, o pansit
  • Regular na de lata at mga instant na sopas
  • Regular na de latang mga gulay at inatsarang gulay (Banlawan ang mga de latang pagkain upang mabawasan ang dami ng asin.) 
  • Mga sawsawan at pampalasa, tulad ng toyo, betsin (monosodium glutamate, MSG), patis (sawsawang gawa sa isda), alamang (pinaalat na hipong sawsawan), tuyo (maalat, tuyong isda), hibi (pinatuyong maalat na hipon) o pusit (pinatuyong pusit), ketchup, asing bawang, pampalasang asin, mga bouillon cube, at pampalambot ng karne

Read the “Sodium in Foods” handout in English.

Back to Session 4

Information on this page is taken from the English print version of “Healthy Heart, Healthy Family: A Community Health Worker's Manual.” U.S. Department of Health and Human Services, National Institutes of Health, National Heart Lung and Blood Institute, NIH Publication No. 08-3674, Originally Printed 1999, Revised May 2008.

Last Updated March 2012

Twitter iconTwitterimage of external icon Facebook iconFacebookimage of external icon YouTube iconYouTubeimage of external icon Google+ iconGoogle+image of external icon