Accessible Search Form           Advanced Search

Karagdagang Impormasyon

Download Karagdagang Impormasyon pdf document (467k, 3 pages) handout.

Mga Kadahilanan ng Peligro sa Sakit sa Puso na Maaari Mong Gawin
MGA KADAHILANAN NG PELIGRO MGA KATOTOHANANG DAPAT MONG MALAMAN GAWIN ANG MGA HAKBANG NA ITO UPANG MAIWASAN ANG SAKIT SA PUSO
Alta presyon
Ang mataas na presyon ng dugo (o alta presyon) ay tinatawag na tahimik na mamamatay tao sapagkat madalas na wala itong mga sintomas, ngunit maaari itong magsanhi ng napakaseryosong karamdaman.
Pauna sa alta presyon
Hindi pa mataas ang presyon ng dugo mo, ngunit malamang na magkaroon nito sa hinaharap maliban kung nagamit mo ang mga malulusog na pagbabago sa uri ng pamumuhay.

Kapag mataas ang presyon mo sa dugo, nagtatrabaho nang husto ang iyong puso kaysa sa dapat nitong gawin upang mapaandar ang dugo sa lahat ng mga bahagi ng katawan. Kung hindi magagamot, maaaring humantong sa stroke ang mataas na presyon ng dugo (atake sa utak), atake sa puso, mga problema sa mata at bato, at pagkamatay.

Suriin ang mga bilang ng iyong presyon sa dugo (mmHg*)
Level Systolic Diastolic
Normal Mas mababa sa 120 Mas mababa sa 80
Paunang alta Presyon 120-139 80-89
Mataas na Presyon 140 o mas mataas 90 o mas mataas

* Millimetro ng mercury

  • Suriin ang iyong presyon ng dugo minsan sa isang taon. Suriin ito nang mas madalas kung mayroon kang mataas na presyon ng dugo.
  • Maglayon ng isang malusog na timbang.
  • Maging aktibong pisikal sa mga nakararaming araw.
  • Pumili at maghanda ng mga pagkaing kaunti ang asin at sodium.
  • Kumain ng mas maraming mga prutas, gulay, at low-fat na mga produktong dairy.
  • Kung umiinom ka ng alcohol, gawin ang gayon nang katamtaman.
  • Kung binigyan ka ng iyong duktor ng gamot para sa presyon ng dugo, inumin ito sa paraang sinabi sa iyo ng duktor.
Kolesterol sa mataas na presyon
Ang kolesterol sa iyong mga ugat ay tulad ng kalawang sa isang tubo.

Low-density lipoprotein
Ang (LDL) ay kilala rin bilang “masamang” kolesterol. Ang labis na LDL kolesterol ay maaaring makabara sa iyong mga ugat,
na nagpapataas ng peligro ng sakit sa puso at stroke.

High-density lipoprotein
Ang (HDL) ay kilala bilang “mabuting” kolesterol. Inilalayo ng HDL ang kolesterol sa iyong mga ugat.
Suriin ang bilang ng iyong kabuuang kolesterol sa dugo (mg/dL*)
Kanais-nais Mas mababa sa 200
Mataas na hangganan 200–239
Mataas 240 o mas mataas
Suriin ang bilang† ng iyong LDL kolesterol† (mg/dL)
Kanais-nais Mas mababa sa 100
Malapit sa Kanais-nais/
Mataas sa Kanais-nais
100–129
Mataas na hangganan 130–159
Mataas 160 o mas mataas

* Milligramo sa bawat deciliter

† Ang layunin sa LDL kolesterol ay magkakaiba para sa bawat isa. Maaaring makatulong ang iyoong duktor sa pagtatakda mo ng iyong layunin sa LDL.

Suriin ang bilang ng iyong HDL kolesterol (mg/dL):
Mga antas ng HDL ng 60 mg/dL o mas mataas ay makakatulong na babaan ang iyong peligro sa sakit sa puso. Ang mga antas ng HDL na mas mababa sa 40 mg/dL ay isang pangunahing kadahilanan ng peligro para sa sakit sa puso.

Suriin ang iyong antas ng triglyceride (mg/dL):
Ang isang normal na antas ng triglyceride ay mas mababa sa 150.

  • Kumuha ng pagsusuri sa dugong tinawag na isang lipid profile sa opisina ng iyong duktor. Ang pagsusuring ito ay sumusukat ng lahat ng mga antas ng kolesterol (kabuuan, LDL, at HDL) at mga triglyceride.
  • Ipasuri ang mga antas ng iyong kolesterol sa dugo tuwing 5 taon kung ikaw ay nasa gulang na 20 o
    mas matanda.
  • Alamin kung ano ang kahulugan ng mga bilang ng iyong kolesterol. Kung mataas ang mga ito, tanungin ang iyong duktor kung paano pababain ang mga ito.
  • Pumili ng mga pagkaing mas mababa sa saturated fat, trans fat, at kolesterol.
  • Maglayon ng isang malusog na timbang.
  • Maging aktibong pisikal.

Isagawa ang ibang mga hakbang na ito upang makontrol ang triglycerides:

  • Limitahan ang kendi, matatamis, regular na soda, inuming pritas, at iba pang mga inuming mataas sa asukal.
  • Iwasan ang paninigarilyo at alcohol. Nagpapataas ng triglycerides ang paninigarilyo at nagpapababa ng HDL kolesterol. Ang labis na alcohol ay nagpapataas din ng triglycerides.
Labis sa timbang/Sobrang katabaan
Nangyayari ang paglabis sa timbang/sobrang katabaan kapag ang labis na taba ay naipon sa iyong katawan. Dinadagdagan nito ang iyong peligro sa pagkakaroon ng mataas na presyon ng dugo, kolesterol sa mataas na presyon ng dugo, sakit sa puso, stroke, at diyabetis.
Suriin ang iyong index sa bigat ng katawan (body mass index [BMI]) at sukat ng baywang:
Kategorya BMI
Kulang sa timbang <18.5
Normal* 18.5–24.9
Labis sa timbang* 25–29.9
Sobra sa katabaan* 30 o mas mataas
  • Ang isang sukat ng baywang na higit sa 35 pulgada (88 cm) para sa isang babae at higit sa 40 pulgada (102 cm) para sa isang lalaki ay nagpapataas ng peligro sa sakit sa puso.

*Ipinapahiwatig ng iba pang mga ulat na ang hangganan ng BMI para sa labis sa timbang (>23.0 kg/m2) at sobra sa katabaan (>25.0 kg/m2) sa rehiyong Asya-Pasipiko ay mas mababa kaysa sa mga kasalukuyang pamantayan (Mga Tagubilin Pangklinika sa Pagkakakilala, Pagsusuri, at Paggamot ng Labis sa Timbang at Sobra sa Katabaan sa Mga Nasa Hustong Gulang).

  • Sukatin ang iyong BMI at baywtuwing 2 taon, o mas madalas kung inirerekumanda ito ng duktor.
  • Maglayon ng isang malusog na timbang.
    Subukang huwag magdagdag ng timbang.
  • Kung labis ka sa timbang, subukang magbawas ng timbang nang dahan-dahan. Magbawas ng 1 hanggang sa 2 libra (0.45 kg hanggang sa 0.91 kg) sa isang linggo.
  • Kumain ng mas maliit na mga takal at maging aktibong pisikal nang hindi bababa sa 60 minuto araw-araw.
Diyabetis
Kapag mataas ang asukal sa katawan, hindi magagamit ng iyong katawan ang pagkain sa lakas.

Paunang diyabetis
Ang paunang diyabetis ay kapag ang mga antas ng asukal sa dugo ay mas mataas sa normal, ngunit hindi pa rin sapat na mataas upang masuri bilang diyabetis. Ang mga taong may paunang diyabetis ay nasa mas mataas na peligro ng karamdaman sa cardiovascular.
  • Ang diyabetis ay seryoso. Maaaring hindi mo alam na mayroon ka nito. Maaari itong humantong sa mga atake sa puso, pagkabulag, pagkaputol ng paa, at sakit sa bato.
  • Ang pagiging labis sa timbang ay isang pangunahing kadahilanan sa peligro para sa 2 uri ng diyabetis.
  • Ang mga Filipino American ay nasa mas mataas na peligro para sa 2 uri ng diyabetis kaysa sa populasyong hindi pang-Hispanikong Caucasian.
  • Alamin kung mayroon kang diyabetis.
  • Ipasuri ang antas ng iyong asukal sa dugo (asukal sa dugo) nang hindi bababa sa minsan tuwing 3 taon, simula sa gulang na 45. Dapat kang masuri nang mas maaga at mas madalas kung nasa peligro ka ng diyabetis.
Pagiging hindi aktibong pisikal
Ang pagiging hindi aktibong pisikal ay maaaring magdoble ng iyong tsansa ng pagkakaroon ng sakit sa puso at maaaring makabawas ng taon ng iyong buhay.
  • Ang mga nasa hustong gulang ay dapat na gumawa nang hindi bababa sa 30 minuto ng katamtamang aktibidad na pisikal sa nakararaming mga araw, nararapat araw-araw sa isang linggo.
  • Maraming mga nasa hustong gulang ang nangangailangan ng 60 minuto ng katamtamang (katamtamang antas) sa matitinding (mataas na antas) aktibidad sa mga nakararaming araw–dapat araw-araw–ng linggo, upang maiwasan ang hindi malusog na pagdaragdag ng timbang.
  • Ang mga nasa hustong gulang na dating labis sa timbang ay nangangailangan ng 60 hanggang 90 minuto ng katamtamang pisikal na aktibidad araw-araw upang maiwasan ang muling pagdaragdag ng timbang.
  • Ang mga bata at tinedyer ay nangangailangan nang hindi bababa sa 60 minuto ng katamtaman hanggang sa matitinding pisikal na aktibidad sa nakararaming mga araw.
  • Manatiling aktibo. Maaari kang makabuo ng hanggang sa 60 minuto ng ehersisyo sa bawat araw sa pamamagitan ng pagiging aktibo nang 20 minuto tatlong beses isang araw.
  • Subukang maglakad, magsayaw, o maglaro ng basketball.
Paninigarilyo
Inilalagay mo sa peligro ang kalusugan mo at ng iyong pamilya kapag nagsigarilyo ka.
  • Ang paninigarilyo ay nakaka-addict. Nakakasama ito sa iyong puso at mga baga. Maaari nitong taasan ang iyong presyon ng dugo at cholesterol sa dugo at ang mga iba pa sa paligid mo.
  • Tumigil na ngayon sa paninigarilyo, o dahan-dahang itigil ang paninigarilyo.
  • Kung hindi mo maitigil sa unang pagkakataon, laging subukin.
  • Kung hindi ka naninigarilyo, huwag magsimula.

Read this “More Information“ handout in English.

Back to Session 1

Information on this page is taken from the English print version of “Healthy Heart, Healthy Family: A Community Health Worker's Manual.” U.S. Department of Health and Human Services, National Institutes of Health, National Heart Lung and Blood Institute, NIH Publication No. 08-3674, Originally Printed 1999, Revised May 2008.

Last Updated March 2012

Twitter iconTwitterimage of external icon Facebook iconFacebookimage of external icon YouTube iconYouTubeimage of external icon Google+ iconGoogle+image of external icon